Sunday, October 29, 2017

Wal(ang) Kulay a(ng) Paghihintay

Magsisimula ka sa katapusan: Lumubog ang araw. Mangungulila kang tila naaaliw sa pamamaalam: Dahil kahel. Kahel ang kulay ng araw. Mapagtatanto mong maari ka palang maaliw kahit hindi nasisiyahan. Paano nga ba masiyahan sa isang paglisan? 


Sasapit ang gabi, ika'y titingala sa alapaap: Masisilayan mong may liwanag sa madilim na gabi. Matutuwa ka sa dikotomiya ng liwanag at gabi bagkus mayroong kalituhan. May barko sa ibabaw ng nagtataasang mga gusali? Inakala mong ang barko'y para sa karagatan.


Malilingat ka at maalimpungatan: Umaga na? Bughaw ang langit,  puti ang ulap. Walang kulay ang hanging hinihintay. 


No comments:

Post a Comment